WTF? Magpapakatino na pala ako. xD

Silence kills sound as sound kills silence.
70% of what a drunk person says is true, in fact a study found that people are more honest when intoxicated.
Truth is ever-present and ever watching.

pinoytumblr:

Google PH Today

Galit AKO! (Random Blog Entry Lang)

Weh? Galit bagang! HAHAHA.

Hindi naman ako galit NGAYON at masasabi ko namang madalang akong magalit. Inis, oo. Yun masasabi kong madalas… sooobrang dalas. Yung tipong bigla ka na lang tatahimik sa jeep kasama ang mga kaklase mo pag uwian. Kala nila inaantok ka o masama lang ang pakiramdam mo, pero ang tunay niyan naiinis ka na.

Showy akong tao pagdating sa tunay kong nararamdaman. Pero minsan, hangga’t kaya kong kontrolin, hindi ko pinapakita. Tama na ang makita ng iba na masaya ako kahit minsan ay hindi naman talaga. HAHA. Konting pag-ca-calm down lang sa sarili pag galit.

Ang hirap namang ielaborate nitong blog na to. Papano’t gabi na. Ayan nga o at maghahatinggabi na. Pero ayos lang. Wala namang magawa e. Nag-goodnight na ko sa Twitter pero hindi pa ko ready na matulog although medyo masakit ang ulo ko dahil pagod ako ngayong araw na to. First day of school e.

OK. Balik na tayo sa topic. GALIT AKO. Pero magsimula muna tayo sa INIS AKO. Yan medyo mild. Papaintense tayo mamaya. Hinay-hinay lang.

Sa bahay, sa school… lagi talaga akong naiinis. Pero mas ielaborate natin yung times sa school. Pag nasa school kasi ako, madalas ako mainis dahil sobrang init. Pawisin na nga ako, dadagdag pa ang sobrang init na temperaturang hatid ng panahon. Ay walastik! Tapos sasabay pa yung mga kaklase mo sa pang-iinis sa iyo.

Hindi ko alam. Simula elementary, hindi ko lubos maisip kung bakit ganun yung mga personalidad ng mga kaklase ko towards sakin. I mean, na-vo-voice out ko naman yung mga nararamdaman ko pag gusto ko. Pag galit ako sinasabi ko naman pero parang may times na “limot” na nila na minsan ay nagalit ako sa kanila dahil sa ganung asal nila sakin. (Magulo ba? LOL. E di sorry kung ganun.)

Example: Ginalit mo ko. E di nagalit ako. Inaway kita. Naguilty ka. E di nagsorry ka. Tapos bati na tayo. Tas parang walang nangyari at matapos ang ilang araw ay babalik ulit sa ganung scenario. Gets? HAHA.

Hanggang ngayong college laganap yan. Bakit ba? Ano bang problema? Masyado ba akong mabait? Ha? (LOL) O baka naman akala pa rin nila ay binibiro ko lang sila na kunwari galit ako. Eto kasi matagal ng gumugulo sa utak ko e. Nakakatanga talaga! Bullsh*t.

Tae! Siguro ang problema sakin, hindi ako mapagtanim ng sama ng loob. Yung tipong after 10 minutes kahit may ginawa ka sakin na sobrang masama kaya pa rin kitang patawarin. Kaya kong kalimutan na ngayong araw na may ginawa ka sa aking kasalanan. Ganun ba?

Ayoko namang baguhin ang personalidad ko. Pero ayoko rin namang laging nasisira ang araw ko dahil lang naiinis ako. Wala naman akong magawa kasi kahit anong sabihin ko, patuloy lang ang mga ganung gawain. Gumagawa sila ng joke na tungkol sakin, tawa naman ang iba. Ako nakikitawa na rin kahit nakakagalit na. 

Dun ako nagsimulang tumahimik na lang pag naiinis kasi kapag nagreact ka sa mga ganung sitwasyon, lalo ka lang madidiin (pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang magreact. HAHA ang gulo. xD). Pero consequence nung konting change na yun, medyo naging mapagtanim ako ng sama ng loob. Umaabot ng isang araw (minimum) ang inis ko. Mukha lang akong OK pero deep inside, IBA. Pag nagsorry ka sakin dahil pakiramdam mo’y nakagawa ka ng kasalanan sakin, mababawasan lang yung inis pero hindi yun mawawala. Pag hindi ka naman nagtanda at gumawa ka pa ng maraming bagay na ika-iinis ko, mag-iipon-ipon yun. Dun ako hindi makapagcontrol hanggang sa talagang mapuno na ko. HALA KA! Masasaktan kita pag nagkataon. (Beware). Ganun lang naman ako magalit, yung tipong sasaktan kita dahil nandilim na ang paningin ko. Pero wag kang mag-alala. Magsosorry ako after. HAHA.

Gawin na nating biruan tong entry na to. Ang gusto ko lang naman talagang ipabatid e sana, dumating yung araw na hindi na ako maging “one of the center of attractions” (LOL) pagdating sa biruan. HAHA. Sorry kung naaapektuhan ako masyado sa mga maliliit lang na biro, pero sana nagiging aware kayo na ganun talaga ako. Mababa kasi talaga ang EQ ko. Sineseryoso ko ang mga biro at nagagalit ako deep inside pag hindi ko gusto yung biro. Makiramdam sana kayo at piliin nyo na lang ang mga taong bibiruin nyo. OK? Kasi ang ayoko sa lahat ay yung nadedegrade na nga pagkatao ko dahil sa kung anu-anong biro, napapagtawanan pa at napapahiya ng sooooobra-sooooobra sa mga kakilala!. Ay put*ng*na. Suntukan nalang dre! Babasagin ko muka mo pag hindi talaga ako makapagpigil! 

(Hmmm. Calm down Louie. Calm down.) Let’s leave this blog entry without ending it formally. Kulang pa kasi talaga yan. Tama na yang bitin. HAHA. Tinatamad na kasi ako e. Baka ma-carried away lang ako sa pagtatayp pag tinuloy ko pa. xD Goodnight. 

"Sorry dahil sobrang gulo ng blog entry na to. Hayaan nyo na."

marcelosantosiii:

Never Quit!